Close

'Multilateral approach", dapat nang ikonsidera vs China'- Ex DFA chief

Sponsor ads


Dapat na umanong ikonsidera ng gobyerno ang isang "multilateral approach" kasunod ng naganap sa Reed Bank kung saan lumubog ang fishing boat ng mga mangingisdang Pinoy matapos silang banggain ng isang Chinese vessel.

Ito ang inihayag ni dating Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario dahil matagal nang hinihintay ng bansa na dumating ang resolusyon mula sa UN General Assembly para isulong ang hatol ng arbitral tribunal na nagsasabing pag-aari ngPilipinas ang West Philippine Sea.

Ayon kay Del Rosario, dapat tanggapin na ng Pilipinas na wala talagang respeto ang China sa rule of law.

Patuloy lamang anyang ibu-bully ng mga Chinese ang mga mangingisdang Pilipinong pumapalaot sa pinag-aagawang mga isla.

Kaya naman dapat ay humanap na umano ng paraan ang bansa para papanagutin ang lider ng China na si Chinese President Xi Jin Ping.

Kasabay nito, umaasa ang dating kalihim na mapapabilis ang pag-resolba sa kaso laban sa Chinese President matapos ang insidente.

Mababatid na naghain sina Del Rosario at dating Ombudsman Conchita Carpio Morales ng reklamo laban kay Xi sa International Criminal Court sa The Hague dahil sa crimes against humanity.