Close

'Mga kaso vs Kapa officials, ihahain bukas o sa Lunes'- NBI

Sponsor ads


Tinatapos na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang kanilang imbestigasyon para masampahan na ng kaso ang mga opisyal ng Kapa Community Ministry International.

Ito ay matapos ang utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipasara ito dahil umano sa investment scam.

Ayon kay NBI NCR Regional Director Bacani, posibleng ang mga kasong isampa nila sa mga Kapa officials ay may kinalaman sa paglabag sa Securities and Exchange Commission laws.

Pero plano umano ng NBI na magsampa ng mas mabigat na kaso sa mga opisyal ng Kapa gaya ng syndicated estafa para matiyak na hindi na makakabalik ang investment scam na ito.

Pero sa ngayon umano ay wala pang naghahain ng reklamo para maihain nila ang nasabing kaso.

Dagdag ni Bacani, posibleng bukas o sa Lunes maisasampa ang kaso laban sa mga opisyal ng Kapa.