Close

'Marawi rehab, magiging full blast sa July'- task force chief

Sponsor ads


Magiging "full blast" umano sa Hulyo ang rehabilitasyong ginagawa sa nasira ng gyera na Marawi City.

Ito ang sinabi ni Task Force Bangon Marawi (TFBM) chair at Housing Secretary Eduardo del Rosario matapos ang panawagan ni Vice President Leni Robredo na madaliin na ang rehabilitation ng Marawi City na tila napabayaan dahil hanggang ngayon ay sira-sira pa rin ito at nasa shelters pa rin ang mga residente.

Ayon kay Del Rosario, inaprubahan ng Office of the President nitong Abril ang P3.56 bilyong halaga ng special allotment release orders (SARO) na inilabas ng Department of Budget and Management (DBM) sa mga concerned agencies sa Marawi rehabilitation.

Aniya, kahit na naabala ng COVID-19 pandemic ang recovery efforts sa Marawi, pagsisikapan ng pamahalaan na makamit ang target na matapos ang proyekto sa December 2021.

Sa kabuuang 3.56 bilyon, nasa P1.91 bilyon ang mapupunta sa National Housing Authority (NHA) para sa temporary at permanent housing programs sa siyudad, habang ang P155.7 milyon ay nakalaan para sa Social Housing Finance Corp.'s Marawi Permanent Shelter Program.