Close

'Lakers kayang bigyan ng NBA title ni Lebron' - Kobe

Sponsor ads


Kumpiyansa si NBA hall of famer Kobe Bryant na kayang-kaya ni Lebron James na dagdagan ang NBA championship title ng Los Angeles Lakers.

Ayon sa Lakers legend naniniwala siyang mabilis nitong mapapagtanto ang kung gaano ka-talented ang player na bumubuo ngayon sa koponan.

Hindi na umano bago kay Lebron ang mapunta sa ganitong sitwasyon kung saan mataas ang expectation at laging nasa spotlight.

“They have determination to figure it out. They will figure it out. They have talented pieces …. So enjoy the journey because we’ll be champions before you know it. Then we’ll just be laughing at all the Warrior fans," ayon kay Kobe.

Sa ngayon nasa ikalimang pwesto ang Lakers sa Western Conference standing na mayroon 14-9 win loss record.