Close

'Kopya ng amnesty application form, hindi mahanap'

Sponsor ads


Inamin ni Atty. Reynaldo Robles na hindi pa nahahanap ang kopya ng amnesty application form ng kanyang kliyente na si Senator Antonio Trillanes IV.

Ito ay matapos hingiin ni Judge Elmo Alameda sa hearing sa Makati RTC branch 150 ang kopya ni Trillanes ng application form bilang ebidensya na sumunod ito sa mga basic requirements ng amnesty.

Ipinakita naman ni Robles sa hearing ang isang video footage ng pag-file ni Trillanes ng application form na pinangunahan ni Col. Josefa Berbigal; ang amnesty certificate; at ang mga larawan ng senador na hawak ang amnesty application form.

Ngunit inihayag ni Alameda na hindi authenticated ang video at ang kailangan nito ay ang aktwal na application form ng senador.

Sinigurado naman ni Robles na hahanapin nila ang form at ipapakita ito kay Alameda sa susunod na hearing. || John Angelo Salas