Close

'King of the Jungle', sinuwag ng buffalo

Sponsor ads


Isang video footage ang naka-capture sa intense moment nang suwagin ng isang buffalo ang isang leon sa isang South Africa National Park.

Unang mapapansin sa video na minamatyagan ng isang grupo ng leon ang isang monitor lizard hangga’t tangayin ito ng isa sa kanila upang kainin sa Lower Sabie Area ng Kruger National Park.

Nasa panganib na ang monitor lizard nang ilang sandali lang ay may isang buffalo na sumuwag sa leon na tumilapon at gumulong tatlong beses bago tuluyang tumakbo palayo.

Ang video ay kuha ni Sune Eloff na bumisita noon sa nasabing Safari park.