Close

'Kamara, tatalima sa nais ng Senado na isumite ang natl. budget sa Oct.28'

Sponsor ads


Tatalima ang Kamara sa hiling ng Senado na maibigay sa kanila ang kopya ng 2021 national budget sa October 28.

Ayon kay House Appropriations Committee Chair Eric Yap di nya maaaring ipahiya ang House speaker kaya susunod ang mababang kapulungan sa hiling ng Senado na makuha ang kopya ng aprubado nang 2021 national budget.

Pero, hindi umano hard copy ang isusumiteng 2021 General Appropriations Bill sa Senado.

Sinabi ni Yap na ang kopyang ipapasa sa Senado ay ang kopyang isusumite sa National Printing Office para sa pag-iimprenta.

Itinanggi rin ni Yap na walang isisingit na individual amendments ng mga kongresista.

Giit ng mambabatas, tanging amendments lamang mula sa mga ahensya ang kanilang tatanggapin.

Una nang sinabi ni Yap na sa Lunes, isang special team ang susuri sa isinumiteng amyenda at pagkatapos nito ay ie-encode na na aabutin ng limang araw.

Sampung araw naman ang tatagal sa printing nito sa NPO.