Close

'Joker', tumabo ng $93.5-M sa opening week

Sponsor ads


Tuloy-tuloy ang pamamayagpag ngayon ng pelikulang "Joker" sa US box office na pinagbibidahan ni Joaquin Phoenix.

Sa unang linggo pa lamang sa mga sinehan ay kumita na ang pelikula ng $93.5 milyon na bagong record sa mga pelikula na nagbubukas sa buwan ng Oktubre.

Samantala, ang Joker naman ay kumita na ng $140.5 milyon sa overseas box office kaya mayroon na itong $234 milyong kabuuang kita sa kasalukuyan.

Dahil dito, bumaba na sa ikalawang pwesto ang pelikulang Abominable ($12M) at pangatlo ang “Downtown Abbey” ($8M).

Nasa pang-apat na pwesto na ngayon ang “Hustlers” ($6.3M) at pang-lima ang “IT: Chapter Two” sa ($5.4M) na kita.

Ang pelikulang Joker ay tumatalakay sa buhay ng pinaka-kilalang villain ng DC Comics na si Arthur Fleck.