Close

'Itlog araw-araw, nakakatulong para sa 'healthy height'

Nakakatulong umano para sa mga undernourished na kabataan ang isang itlong araw-araw para makuha ang "healthy height" o ang taas na pasok o nararapat sa edad at katawan ng isang bata.

Batay sa anim na buwang pag-aaral sa Ecuador, ito umano ay kahit sa anung luto maging ito ay soft o hard-boiled, fried o whisked into an omelette.

Ayon sa mga mananaliksik ng journal Pediatrics, ang unang dalawang taon ng mga bata ay maikokonsidera umanong nasa critical para growth and development.

Nakikita na ang poor nutrition ay isa sa major cause ng pagka-pandak o liit ng isang bata kasama rin ang childhood infections at iba pang sakit.

Sa tala ng World Health Organization, 155 million na bata na nasa edad 5-taong gulang ay pandak o maliit para sa kanilang edad.