Close

'Ikalawang bomber sa Sulu bombing, posibleng Pilipino rin'

Sponsor ads


Posibe umanong Pilipino rin ang ikalawang bomber sa kambal na pagpapasabog sa isang military camp sa Indanan, Sulu.

Ito ang inihayag ni Philippine National Police (PNP) Chief General Oscar Albayalde matapos na makumpirma sa DNA test na Pilipino ang isa sa nagpasabog sa kampo militar.

Ayon kay Albayalde, dahil wala pang kamag-anak na kumuha sa mga labi ng ikalawang bomber, di nila isinasantabi ang posibilidad na Pilipino rin ito.

Pero tulad ng ginawa sa unang bomber na si Norman Lasuca, maaari nilang isailalim ang second bomber sa DNA test.

Mababatid na agad na napatay ng mga pulis ang ikalawang suspek sa pagpapasabog bago pa man nito ma-detonate ang dalang bomba.