Close

'IVF babies prone sa HBP' - study

Sponsor ads


Malaki ang posibilidad na magkaroon ng high blood pressure ang mga batang nabuo sa pamamagitan ng in-vitro fertilization (IVF) ayon sa isang pag-aaral.

Natuklasan ng mga mananaliksik na mayroong mas mataas na blood pressure na maaring magresulta sa hypertnesion ang mga kabataang produkto ng IVF kumpara sa mga indibidwal na nabuo sa natural na paraan.

Pinayuhan naman ng mga mananaliksik ang mga magulang ng mga batang produkto ng IVF na tutukan din ang iba pang heart disease risk factors sa kanilang mga anak.