Close

'Halos P400-M ayuda, naipamahagi na sa mga apektado ng ECQ'

Sponsor ads


Halos P400 milyon halaga ng ayuda na ang naibigay sa mga pamilyang apektado ng enhanced community quarantine sa buong Luzon.

Ayon sa report ng Disaster Response Operations Monitoring and Information Center (DROMIC) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), mahigit P31 milyon ng halaga ay mula sa DSWD, mahigit P300 milyon ang mula sa local government units, nasa P1.5 milyon ang mula sa non-government organizations, at nasa 902,000 ang mula sa private sectors.

Sinabi ng DSWD na nasa 86,237 family food packs na ang kanilang naipamahagi sa mga apektadong Pilipino; sa nasabing bilang, 40,000 ang naibigay na sa mga pamilya sa National Capital Region (NCR).

Mababatid na ang DSWD katuwang mga lokal na pamahalaan ay inatasang magbigay ng karagdagang pagkain, at iba pang pangunahing pangangailangan sa mga pamilyang matinding naapektuhan ng quarantine dahil sa COVID-19.