Close

'Full red alert' na sa Iloilo vs NPA attack

Inilagay na sa "full red alert status" ng lokal na pamahalaan ang buong lungsod ng Iloilo, kasunod nang pagatake ng nmasa 50 armadong New People's Army sa bayan ng Maasin.

Kasabay nito, inatasan na rin ni Iloilo City Mayor Jed Patrick Mabilog ang lahat ng mga barangay officials sa pagpapaigting ng kanilang pagbabantay sa kani-kanilang mga areas of responsibilities para hindi na maulit ang insidente. Pinayuhan din ng opisyal ang mga residente na manatili lamang kalmado bagama't mapagmatyag sa kanilang paligid.

"The barangays are instructed to collaborate with their respective district police stations in the maintenance of peace and order within the territorial jurisdiction of the City of Iloilo. The public is likewise advised to remain calm and vigilant with their surroundings," ayon sa pahayag ng opisyal.

Nilinaw naman ng alkalde na ang naturang kautusan ay bahagi lamang ng kanilang "precautionary measures" para matiyak ang kaligtasan ng kaniyang mga kababayan.

Maalala na nitong Linggo lamang, sinalakay ng nasa 50 armadong rebelde ang Maasin police station, kung saan, naagaw ng mga ito ang armas ng mga naka-duty na mga pulis.