Close

'Freedom of navigation operations ng US Navy sa SCS, consistent'

Sponsor ads


Aminado ang head of operations ng United States Navy na hindi nito inasahan ang atensyon na nakukuha ng kanilang pagpapatrolya sa pinagtatalunang South China Sea.

Ito ay matapos sabihin ng U.S. military na naglayag ang dalawa sa mga barkong pandigma nito malapit sa mga isla na inaangkin ng China.

Bagay ito na ikinagalit ng Beijing sa panahon kung kailan ay nagkakaroon ng tensyon sa pagitan ng dalawang pinakamalaking ekonomiya sa buong mundo.

Ayon kay Admiral John Richardson consistent ang level of operations ng U.S. Navy at ang presensya nito sa South China Sea sa mga nakalipas na dekada.

Iginiit ni Richardson na ang mga manuevers ng U.S. Navy sa South China Sea ay pawang mga freedom of navigation operations na nakadisenyo na maging non-provocative, at non-escalatory habang hinahamon ang sobra-sobrang maritime claims ng China.

Mababatid na sinabi ito ng Naval Operations chief, sa isang international security conference sa Singapore na dinaluhan ng mga kinatawan mula sa 33 navies, kabilang na ang 16 na navy chiefs.

Dumalo din doon ang isang delegado ng China.