Close

'Fact-checkers' sa Facebook, dapat dagdagan'- Senators

Sponsor ads


Iminungkahi ni Sen. Nancy Binay na bukod sa Rappler at Vera Files, ay kailangan pang dagdagan ng Facebook ang kanilang media partners para magsilbing 'fact-checkers' para labanan ang paglaganap ng fake news.

Ayon kay Binay, bagamat hindi siya tutol ka pagkakalagay sa Rappler at Vera Files bilang fact-checkers, mas makabubuti aniya kung dadagdagan pa ito kahit hindi mula sa mga media outfits sa bansa.

Inihalimbawa ng senadora ang ilang NGOs tulad ng Center for Media Freedom and Responsibility, National Press Club, National Union of Journalists in the Philippines at iba pa para maging fact-checkers.

Samantala, posible ring may gampanang papel ang NBI sa naturang programa sa pangunguna ng kanilang Cybercrime Division.

Paliwanag ni Binay, maaaring pagtuunan ng NBI ang problema sa trolling na ang iba ay napaulat na mayroon pang mga sariling call centers.// GLENN PARUNGAO