Close

'Extreme cutout' jeans, ibenebenta sa halagang $168

Sponsor ads


Sari-sari ang naging reaksyon ng mga netizens kaugnay sa "extreme cutout" jeans na ibenebenta online dahil sa kamahalan nito sa kabila ng kakapiranggot na piraso nito.

Ang Extreme Cut Out Pant, ay ibenebenta ng high-end online store Carmar, kung saan feature nito ang "large statement cutouts" na fabric mula sa thigh at lower leg areas sa parehong harap at likod ng pantalon.

Nabatid na nasa $168 ang tinawag na “relax fit” pants mayroon lamang dalawang malalaking bulsa.

Samantala, pinuri naman ng iba ang designer ng naturang kasuotan dahil sa creativity nito.