Close

'Evidence-based' travel restrictions, pag-uusapan- Duque

Sponsor ads


Plano ng pamahaaan na magtakda ng mga parameters para sa posibeng ipatutupad na "evidence-based" travel restrictions upang mapigilan ang pagkalat ng coronavirus disease o COVID-19.

Ito ang sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III matapos na tutulan ng Taiwan ang travel ban papunta at mula sa nasabing bansa matapos makapagtala ng mahigit sampung kaso ng coronavirus doon.

Ayon kay Duque, ipe-presenta nya ngayong araw sa pulong ng inter-agency task force ang mga datos sa COVID-19 cases sa Taiwan at iba pang mga bansa.

Dito aalamin kung ano-anong bansa ang isasama sa travel ban at ilalatag ang ebidensya sa pagpapatupad nito.

Mababatid na una nang sinabi ni Angelito Tan Banayo, chairman ng Manila Economic and Cultural Office na malaki ang epekto ng travel ban sa Taiwan sa turismo lalo na sa mga overseas Filipino workers (OFWs).

Aniya, pinakiusapan na ng Ministry of Labor ang mga employers na irekonsidera ang delay sa pagdating ng mga stranded na OFWs sa Taiwan at huwag naman alisin ang mga ito sa trabaho.