Close

'Employers, pwedeng i-delay ang double pay para sa holiday'

Sponsor ads


Pinapayagan ang mga employers na i-delay ang pagbibigay ng double pay sa mga magtatrabaho sa mga holiday ngayong matinding naapektuhan ang mga negosyo ng COVID-19 pandemic.

Ito ang sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III bago ang Eid al-Fitr sa Lunes na idineklarang national holiday ng Palasyo.

Mababatid na sa ilalim ng batas, entitled ang mga manggagawa ng dobleng sahod sa araw ng national holiday habang ang mga di naman magtatrabaho sa araw na ito ay makakakuha ng kanilang regular daily pay.

Mababatid na binigyan na rin ng Department of Labor and Employment (DOLE) ng go signal ang mga kumpanya na i-delay ang bayad sa mga manggagawang nag-duty noong Holy Week nitong Abril hangga't di pa natatapos ang COVID-19 crisis.