Close

'DND dapat managot sa pagkawala ng amnesty records'

Sponsor ads


Nanindigan si Atty. Reynaldo Robles, abugado ni Senator Antonio Trillanes IV, na dapat umanong managot ang Department of National Defense (DND) dahil sa pagkawala ng amnesty records ng senador.

Iginiit ito ni Robles sa ginawang pagdinig ng urgent motion ng Department of Justice (DOJ) sa Makati Regional Trial Court Branch 150 para sa arrest warrant at hold departure order (HDO) laban kay Trillanes.

Dagdag pa niya ay dapat managot ang DND dahil ito ang nakawala ng mga nasabing dokumento.

Matatandaang kinumpirma mismo ni DND Sec. Delfin Lorenzana na personal na hiningi ni Solicitor General Jose Calido ang mga papeles na may kinalaman sa amnesty records ni Trillanes.