Close

'Buhay carenderia' proj isusupende - DOT Puyat

Sponsor ads


Isususpende ng bagong talagang Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat ang “Buhay Carinderia” project ng Tourism Promotions Board (TPB) sa gitna ng ulat na hindi ito dumaan sa bidding process.

Kaugnay nito, hihintayin ni Romulo-Puyat ang desisyon rin ng Commission on Audit kung ipapabalik sa TPB ang P80-million funding para sa proyekto.

Dagdag ni Puyat, sa nangyaring pagpupulong nila ni TPB head Cesar Montano inabisuhan niya rin umano ito na susulat siya ng liham na humihiling sa komisyon na ireview ang at i-pre-audit ang Buhay Carinderia.

Samantala, ipinaliwanag umano sa kanya ni Montano na nagdepende lang ang TPB sa sponsorship.

Nilinaw naman ng bagong kalihim na naniniwala siya kay Montano ngunit muling binigyang diin nito na lahat ng government projects ay kailangang dumaan sa bidding.