Close

'Black Widow' ng Billiards na si Jeanette Lee, may Stage 4 cancer

Sponsor ads


Na-diagnose ng Stage 4 ovarian cancer ang American billiards legend na si Jeanette Lee base sa ulat ng US pool website.

Kinukunsidera si Lee, na kilala sa kanyang nickname na "Black Widow", bilang isa sa mga top players ng billiards sa kanyang panahon.

Dati na rin itong nakasungkit ng gintong medalya sa World Games at nakatapat si Efren "Bata' Reyes sa race-to-13, 9-ball challenge noong 2001.

Sa artikulong naka-post sa PoolPlayers.com ay sinabi ni Lee, 49-anyos, na nais niya gamitin sa kanyang pakikipaglaban sa cancer ang parehong resolve na ipinamalas niya sa billiards table.

Nangako si Lee na lalabanan niya ang sakit sa lahat ng paraan gaya ng chemoteraphy na kanyang sinimulan na, at pati na rin sa pamamagitan ng surgeries na inaasahang magpapabagal sa epekto ng sakit.

Samantala, nagsimula naman ang mga kaibigan, pamilya at business associates ni Lee ng GoFundMe na tinawag bilang Jeanette Lee Legacy Fund para makalikom ng pondo para sa pagpapagamot.