Close

'Biggest COVID-19 hospital' sa mundo, nag-ooperate na

Sponsor ads


Nagsimula na ang operasyon ng pinakamalaking ospital sa buong mundo para sa mga taong tinamaan ng COVID-19.

Ang Sardar Patel COVID Care Center na matatagpuan sa bansang Chattarpur, India ay nag-umpisa na ng kanilang test operation nitong naraang linggo.

Umaabot sa 10,000 beds ang maximum capacity ng naturang ospital.

Kumpiyansa naman si Indian Home Minister Amit Shah malaking tulong at ginhawa ang maibibigay ng nasabing COVID center para sa kanilang mga kababayan na tinatamaan ng coronavirus.

Maaalalang kamakailan lang ay naitala ng India ang pinakamaraming kaso ng COVID-19 infection sa kanilang bansa sa loob lamang ng isang araw.