Close

'Banta ng malakas na pagsabog, nananatili sa bulkang Taal'

Sponsor ads


Anumang oras o araw ay posible umanong may maganap na malakas na pagsabog sa nag-aalburutong bulkang Taal.

Ito ang update na ibinigay ni Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) Undersecretary Renato Solidum Jr. habang nakataas pa rin ang alert level 4 sa paligid ng Taal volcano.

Ayon kay Solidum, nakita ang patuloy na pagputok sa main crater ng bulkan dahil sa suplay ng magma na may steam at abo sa itaas.

May naitalang volcanic lighting at mayroon ding bumukas na bagong opening o vents.

Dagdag ng opisyal, dahil patuloy ang pagputok ng bulkan, naitala ang matinding ashfall sa mga munisipalidad ng Lemery, Talisay, Taal, at Cuenca sa Batangas.

Umabot na rin sa 5,299 tonelada ang naitalang sulfur dioxide na inilalabas ng bulkan kada araw.

Nagpaalala ang PHIVOLCS na dapat ay wala nang tao within 14 kilometro malapit sa bulkan dahil mapanganib na ang aktibidad doon.