Close

'Baby Shark', pasok sa Top 40 ng Billboard Hot 100 chart

Sponsor ads


Pasok ang sikat na children song na Baby Shark sa Top 40 ng Billboard Hot 100 chart!

Nakuha nito ang ika-32 pwesto.

Kahit taong 2016 pa nang ilabas ang naturang children song ay patuloy pa rin ang pagdami ng nakikinig rito.

Mababatid na naging viral rin ito sa social media kung saan kaliwa't kanan ang sumayaw at kanta nito mapa-bata man o matanda.

Sa ngayon ay mayroon nang 2.1 billion views ang Baby Shark sa Youtube.

Samantala, nasa ika-unang pwesto naman ang Without Me ni Halsey.

Sumunod rito ang Thank U Next ni Ariana Grande na nasa 2nd spot at 3rd naman ang kantang Sunflower nii Post Malone at Swae Lee.