Close

'5 Tourism execs, nagbitiw na- Romulo'- DOT chief

Sponsor ads


Ibinunyag ni Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat na limang key executives ng Department of Tourism (DOT) ang nagbitiw sa pwesto alinsunod sa kanyang utos na magsumite na ng courtesy resignations.

Ayon kay Romulo-Puyat, isasapubliko nya ang mga pangalan ng mga opisyal na nagbitiw sa kanilang mga pwesto pagkatapos ng May 21.

Sa May 21 din aniya ang deadline na ibinigay ng bagong DOT chief para maghain ng courtesy resignation ang mga undersecretaries at assistant secretaries ng ahensya.

Bago nito nagbitiw na si Tourism Assistant Secretary Ricky Alegre noong Martes.

Mababatid na pinaliwanag ni Romulo-Puyat na ibinaba nya ang direktiba sa mga appointees ng DOT para mabigyan sya ng pagkakataong makapili ng kanyang mga nais na makatrabahong opisyal.