Close

$50K fine sa Clippers dahil sa inconsistent comment sa health status ni Leonard

Sponsor ads


Pinatawan ng $50, 000 fine ng National Basketball Association ang Los Angeles Clippers dahil sa umanoy pabago-bagong statement ni Coach Doc Rivers sa totoong estado ng kasusugan ni NBA star Kawhi Leonard.

Ito ay matapos almahan ng mga fans ang hindi paglalaro ni Leonard sa back-to-back set of games sa ikalawang pagkakataon kung saan natalo ang Clippers sa Milwuakee Bucks.

Sa isang panayam kasi ay sinabi ni Rivers na nasa maayos ang estado ang kalusugan ng 2019 NBA Finals MVP taliwas sa naunang pahayag nito na may iniinda itong injury sa tuhod.

Samantala sa kabila nito lumabas naman sa pagsisiyasat ng NBA na sumunod naman ang Clippers sa rules ng liga.

"The team has reasonably determined that Leonard is suffering from an ongoing injury to the patella tendon in his left knee and has been placed by the team at this time on an injury protocol for back-to-back games."