Close

$300B lugi sa tourism industry sa mundo dahil sa COVID-19 pandemic

Sponsor ads


Lumampas na $300 billion mark ang naitatalang pagkalugi ng buong mundo sa industriya ng turismo dahil sa COVID-19 pandemic.

Base sa report ng World Tourism Organization umabot na sa $320 billion global deficit sa tourism industry.

Ito ay mas malala pa sa kabuuan ng naging epekto ng 2009 financial crisis sa buong mundo.

Simula nang ipatupad ang mga travels restrictions dahil sa pandemya, nasa 300 million global tourist arrivals ang sinuspinde.

Ganunpaman, pinag-iingat ni WTO Secretary General Zurab Pololikashvili ang mga bansang nagpaplano nang muling buksan ang turismo sa kanilang bansa na maging maingat at sundin ang lahat ng mga panuntunan upang hindi lalong kumalat ang virus. - GLENN PARUNGAO