Close

$170M dagdag fund sa PRDP, aprubado ng WB

Sponsor ads


Inaprubahan ng World Bank ang $170 million na dagdag funding sa mga programa na tutulong sa pag-develop sa mga lalawigan ng Piliinas sa pamamagitan ng construction ng mga kalsada, tulay at irrigation systems.

Ayon sa WB, inaprubahan ng board of executive directors ang naturang pondo dahil kumbinsido itong makakatulong ito sa income at mapababa ang kahirapan sa mga komunidad sa ilalim ng Philippine Rural Development Project na nationwide initiative ng Department of Agrarian.

Ang PRDP ay ang 6-year national project na naglalayong ma-establish ang moderno, inclusive , value-chain oriented at climate resilient agri-fisheries sector.

Ito ay nabuo noong 2014 kung saan target nitong tulungan ang tinatayang 2-milyong magsasaka at mangingisda sa mga barangay sa pamamagitan ng rural road networks at suporta sa mga maliliit na negosyo.