Close

"Sino ngayon ang nagfiflip-flopping?" -Aguirre

Binatikos ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre ang mga minority senators dahil sa tila pagfiflip-flopping ng mga ito sa panawagang pagbitiwin siya sa pwesto.

Ito ay matapos ang pabago bagong pahayag ng mga senador kung saan nung una ay nagpakita ang mga ito ng suporta sa panagawan ni Senador Risa Hontiveros na paalisin siya sa posisyon.

Kinalaunan ay kumambyo ang mga ito sa sinabing maaring mayroon lang hindi pagkakaintindihan sa pagsuporta umano na pagbitiwin na ang kalihim.

Pero matapos magsagawa ng pagpupulong ang mga ito ay muli nilang ibinalik ang kanilang panawagan dahil sa unethical actions umano ni Aguirre bilang isang opiysal.

Ito ay sina Senador Franklin Drilon, Francis "Kiko" Pangilinan, Benigno Paulo Aquino IV, Leila De Lima at Antonio Trillanes IV.