Close

"OK kami ni Bob Arum" - Pacquiao

Sponsor ads


Inihayag ni 8-Division World Champion Manny Pacquaio na wala silang problema ng kanyang dating promoter na si Bob Arum.

Ito ang naging tugon ng pambansang kamao ng matanong ng mga alagad ng media na nakasubaybay sa training nito sa Wild Card Boxing Club sa Hollywood, California bilang paghahanda sa laban nito kay Adrien Broner.

Ayon sa 40-year-old boxing legend wala silang isyu ni Arum bagkus ay nagpapasalamat pa siya dito dahil naging bahagi ito sa kanyang makulay na career bilang boksingero.

“We don’t have a problem with Bob Arum,” ani Pacquiao .

“I’m so thankful with him. Because of him, he helped me a lot with my career here in America. And I don’t have a problem with Bob Arum. I’m really thankful in my life that God used him to help me here in the United States.

Magugunitang unang napabalita ang pagkakaroon ng hindi pagkakaunawaan ang dalawa matapos madelay ang bayad ng Top Rank na humawak noon sa Pacquiao-Matthysse pay-per-view sa US.

Agad din naman naresolba ang isyu ng dalawa matapos na maibigay ang payment sa MP Promotions na pagmamay-ari ni Manny.