Close

"Homeless man" na maraming alagang aso, sinurpresa ni Heart Evangelista ng bagong bahay!

Sponsor ads


Sinurpresa ni Heart Evangelista ang isang homeless man ng bahay!

Katuwang ni Heart ang dog rescue group na Pawssion Project sa pagbibigay ng bahay kubo para kay Kuya Jun.

Kumpleto na ito ng appliances at iba pang gamit pang bahay.

Ayon sa Pawssion Project, simple lamang ang hiling ni Kuya Jun at ito ay ang magkaroon ng tirahan kasama ang kanyang mga aso at damit pang-punta sa Simbahan.

Nagpasalamat rin ang dog rescue group kay Evangelista dahil sa pagtulong sa kanilang bigyan ng bahay si Kuya Jun.

Buwan ng Nobyembre nang unang makilala ni Evangelista si Kuya Jun sa Gilmore Avenue sa Quezon City habang hinahanap niya ang nawawalang aso na si Casper.

Si Kuya Jun ay isa lamang street sweeper na mayroon lamang P100 allowance kada araw na ginagamit niya pambili ng kanyang pagkain at pagkain ng mga alagang aso.