Close

"Blue Girl" na sinunog ang sarili sa Tehran, nasawi na

Sponsor ads


Nasawi na ang babaeng football fan sa Iran matapos nitong sunugin ang sarili.

Sinunog ng babae na kinilala sa pangalan na Sahar Khodayari ang sarili matapos maantala ang pagdinig sa kaso nito na may kinalaman sa kanyang tangka na pagpasok sa football stadium habang nagpapanggap bilang lalaki.

Maiging tinutukan ng Iranians ang kwento ni Sahar na tinawag bilang "blue girl" bilang pagtukoy sa kulay ng paborito nitong kuponan, ang Esteqlal ng Tehran.

Kung maalala ay inaresto si Sahar noong Marso dahil sa tangka nitong pagpasok sa football stadium.

Matapos makulong sa loob ng 3 araw, at makapaglagak ng pyansa para sa pansamantalang kalayaan ay kinailangan niya pang hintayin ang 6 na buwan bago dinigin ng korte ang kanyang kaso.

Ngunit nang dumating siya sa korte ay naantala lamang ito dahil meron family emergency ang hukom.

Kalaunan ay sinunog ni Sahar ang kanyang sarili sa harap ng court house at nasawi sa pagamutan.

Noong 1981 pa ipinagbabawal ng Iran sa mga kababaihan ang pagnuod sa sporting events ng mga kalalakihan ngunit panandalian itong na-lift noong nakaraang taon nang nagkaroon ng streaming ng World Cup sa isang stadium sa Tehran.