Close

"Biggest conglomerates", may proposal para sa rehab ng NAIA

Sponsor ads


Nagsumite ng proposal sa gobyerno ang isang grupo ng mga "biggest conglomerates" ng unsolicited proposal na P350 billion rehabilitation, operation at maintenance ng Ninoy Aquino International Airport.

Kabilang sa mga miyembro ng consortium ang Aboitiz Equity Ventures, Inc.s’ (AEV) Aboitiz InfraCapital, Inc.; Ayala Corp.’s AC Infrastructure Holdings Corp.; Filinvest Development Corp. (FDC); JG Summit Holdings, Inc.; Alliance Global Group, Inc.; Metro Pacific Investments Corp. (MPIC) at Asia’s Emerging Dragon Corp.

Ayon sa grupo, kailangan ng rehabilitasyon at improvement ng gateway ng bansa dahil umabot sa 39.5 million passengers ang na-accommodate nito noong 2016 gayung ang capacity design nito ay 30.5 million lamang.