Close

"Alcopops", gustong patawan ng excise tax ng DOF

Sponsor ads


Isinusulong ng Department of Finance na mapatawan ng mas mataas na excise taxes ang tinatawag na "alcopops" o flavored alcoholic drinks para ilayo ang mga kabataan sa pag-inom ng alak.

Ayon kay Finance Assistant Secretary Tony Lambino, layon rin nitong makalikom ng pondo para sa Universal Health Care program.

Nagbago aniya ang marketing strategy para sa mga nakalalasing na inumin at ngayo'y ineengganyo ang mga kabataan.

Paliwanag ni Lambino, may mga produktong pinalalabas bilang ice pops na ibinebenta sa mas murang halaga at kadasala'y inihahalo pa sa mga regular fruit juices sa display shelves ng convenience stores.

Maging ang mga vodka cocktail drink na nagtataglay ng 7 percent alcohol ay ginagawa na umanong "tetra pak" para mabitbit ng mga estudyante sa paaralan.

Kaugnay nito ay nakikipagtulungan na ang DOF sa Department of Education at Department of Health para iiwas ang mga bata sa alcopops consumption.