Close

Western Visayas, naka blue alert dahil sa bagyong Tisoy

Sponsor ads


ILOILO, CITY — Naka blue alert status ngayon ang buong Western Visayas dahil sa bagyong Tisoy.

Ang blue alert status ay nangangahulugang, bukas 24/7 ang operation centers sa buong rehiyon.

Base sa Office of Civil Defense Region 6, ang pagdeklara ng blue alert status ay para makatulong sa mabilis na 'response' sa pamamagitan ng command, control, coordination at communication ng mga ahensya ng gobyerno.

Sinabi pa ng naturang ahensya na kahit hindi dumaan ang bagyo sa Western Visayas, dapat ay 'zero casualty' sa rehiyon at dapat sundin ang ipinapatupad na evacuation lalong-lalo na sa mga nakatira sa low-lying areas.