Close

UV Grab ikinakasa na sa Subic Bay Freeport Zone

Sponsor ads


SBFZ-IKINAKASA na ng Subic Bay Metropolitan Authority ang pagkakaroon ng UV Grab sa boung Freeport.

Sa media conference, sinabi ni SBMA chairperson and Admin Atty. Eisma na kasalukuyan ng isinasaayos ang pagkakaroon nito sa Freeport dahil na rin sa mga cruiseship na dumadaong sa pantalan upang mapabilis ang serbisyo sa mga turistang bibisita.

Ayon kay SBMA Ecology Center Head Amethia Dela Llana, nagsasagawa na ng mga orientation sa ilang mga drivers na nais makiisa sa UV Grab para maging pamilyar sa mga apps na gagamitin sa operasyon.

Ang UV Grab ay mag o-operate lamang sa loob ng SBFZ habang pag aaralan pa ng ahensya ang posibleng expansion nito sa lungsod ng Olongapo.

-JEFF VALDEZ