Close

Towing company na kakontrata ng City Govt, itinangging pinipili ang mga sasakyang target ng towing

Sponsor ads


OLONGAPO CITY-ITINANGGI ng towing company na pinipili lang ng kompanya na mga sasakyang hinihila para dalhin sa impounding area.

Ayon kay Louie Malig Operations Manager ng towing company, hindi totoo na namimili lang ng mga sasakyan hinahatak ng kompanya dahil ang mga sasakyan hinihila ay base sa inerereport at natikitan na ng OTMPS.

Ipinaliwanag din ni Malig na kaya mga motor at tricycle ang kadalasang hinuhuli dahil ito ang kadalasan iniiwan ng matagal ng mga motorista sa mga no parking area kumpara sa mga 4 wheel vehicles.

Handa naman ang kompanya na makipag usap sa OTMPS para sa mas epektibong operation sa lungsod.

-MICHELLE LOPEZ