Close

Subic Water sisikapin na masusuplayan ng tubig ang buong Olongapo sakaling tatama ang bagyo sa lungsod

Sponsor ads


OLONGAPO CITY-SISIKAPIN ng Subic Water na hindi magkaka-aberya sa suplay ng tubig ang mga taga Olongapo sakaling makaapekto sa lungsod ang bagyo.

Matatandaan noong nakalipas na bagyong Josie ay maraming mga lugar sa lungsod ang nawalan ng suplay ng tubig.

Paliwanag naman ni Thelma Villanueva, isa sa mga opisyal ng Subic Water, ito dahil ay sa maraming mga linya ng tubig ang nasira dahil sa mga naputol na puno na bumara sa mga reservoir.

Ayon pa kay Villanueva sa ngayon ay pinaghahandaan na ng emergency response team ang mga hakbang para matiyak na masusuplayan ng malinis na tubig ang Olongapo kahit pa may bagyo.

-MICHELLE LOPEZ