Close

Pagbabawal sa mga parada at iba pang aktibidad sa kalsada ng Subic ipagpapapaliban

Sponsor ads


SUBIC, ZAMBALES-IPINAGPALIBAN ng lokal na pamahalaan ang pagbabawal sa paggamit ng kalsada para sa ilang aktibidad sa bayan ng Subic.

ito ay makaraang magdisisyon si Mayor Jay Khonghun na tapusin muna ang road widening ng DPWH at kung hindi luluwag ang trapiko saka ipatutupad.

Matatandaan, sinabi ni Subic Vice-Mayor JB Felarca na pinag aaralan ang pagtatakda ng dalawang araw sa isang linggo na magbabawal sa paggamit ng kalsada kagaya ng paglilibing, parada at iba pa na maaring magpasikip sa daloy ng trapiko mula alas sais ng umaga hanggang alas dose ng tanghali.

Dagdag pa ng opisyal, bagamat hindi ganun kadaling maipatutupad ang pina plano, kailangan pa munang magdaos ng mga public consultation para maipaalam sa mga motorista ang plano

Samantala planong magpasa ng sangguniang bayan ng ordinansa hinggil ditto pero hindi muna matutuloy dahil sa utos ni Mayor Khonghun.

-GILBERT BASIO