Close

PRO-6 Regional Director Bulalacao, nagsagawa ng farewell visit sa Aklan PPO

Sponsor ads


KALIBO, AKLAN — Pinasalamatan ni PRO-6 Regional Director General John Bulalacao ang lahat ng law enforcement agencies, military partner organizations, media at mga opisyal ng gobyerno sa kanilang suporta at tulong sa naging matagumpay na implementasyon ng mga programa ng PRO-6.

Ito ang kanyang ipinaabot sa isinagawang farewell visit noong nakaraang Sabado sa Aklan Police Provincial Office.

Pinuri din ni Bulalacao ang mga kapulisan sa Aklan matapos ang matagumpay na kampanya laban sa illegal na droga at ang payapa at maayos na katatapos na May election.

Nagpaabot din siya ng mensahe hindi lang sa mga kapulisan kundi sa lahat ng mga public servants na ingatan ang reputasyon, magiging dedikado sa trabaho, panatilihin ang pagiging disiplinado at maniwala sa kapangyarihan ng dasal.

Si Bulalacao ay nakatakdang magretiro sa June 27 at hindi pa pinangalanan ang papalit sa kanya.

Si Police Brigadier General Bulalacao ay umupo bilang Regional Director sa loob ng isang taon, 35 na taon bilang uniformed personnel, miyembro ng Philippine Military Academy (PMA) Maringal Class 1988 bago na-appoint bilang spokesperson ng Philippine National Police noong January 2018./ SHERRY ANNE REUNIR-VIDAL