Close

Number 1 sa drugs watchlist sa Olongapo, arestado

Sponsor ads


OLONGAPO CITY-ARESTADO ang lalaking nangunguna sa drug watchlist at ang kasama nito sa drug buybust operation ng mga otoridad sa isang sasakyang naka-park sa isang fastfood chain sa lungsod kahapon ng umaga.

Kinilala ang suspek na si Florenio Miclat Jr., 56 anyos na residente ng San Nicolas, Castillejos, Zambales at ang kasamahan nitong si Ronnie Cubilla, 40 anyos ng San Lorenzo, Taytay, Rizal

Nakuha mula kay jun miclat ang 24 na sachet ng hinihinalang shabu na may timbang na 400 na gramo. tinatayang aabot sa mahigit P560,000 ang kabuuang halaga ng mga nakumpiskang ilegal na droga.

Samantala, isang residente ng subic zambales naman ang na aresto mga bandang 7:15am na kinilalang si george sotelo, 46 anyos kung saan nakuha dito ang 6 na pakete ng hinihinalang shabu at buybust money.

-JEFF VALDEZ