Close

North Cotabato binaha, 2 tindahan naanod

Sponsor ads


KIDAPAWAN CITY- Nanatiling on alert status ang lahat na mga emergency response team sa North Cotabato.

Sa inisyal na report, walang naitalang namatay at nasugatan sa kalamidad na nangyari dahil sa magdamagang buhos ng malakas na ulan na nagdulot ng perwisyo sa maraming motorista.

SA inisyal na ulat, hanggang beywang ang tubig baha sa Tulunan.
SA bayan ng Magpet, tatlong pamilya ang apekatado dahil sa landslide.

Sa Ilomavis, may mga apektadong pamilya matapos gumuho ang lupa.
SA Kisante, Makilala, maraming sasakyan ang na stranded at di makatawid nang mag overflow ang tubig baha sa gilid ng kalsada.
Umaga na nang magawang makatawid ang mga sasakyan.

Iilan lang sa mga bayan ng North Cotabato na naapektohan ng baha ay ang Mlang, Kabacan, Magpet, Makilala, Tulunan, Kidapawan at marami pa.

Patuloy na nag iikot ang mga miembro ng PRRMDO, CRRMDO maging ang mga emergency team sa bawat barangay upang i-monitor ang mga ilog at ang mga residenteng apektado.
SA bayan ng Makilala, maliban sa dalawang tindahan na naanod sa baha , nasira rin ang mga bagong dike na gawa ng DPWH. (EBV)