Close

NFA, hinihikayat ang mga magsasaka sa lalawigan na magbenta ng kanilang inaning palay

Sponsor ads


ZAMBALES-HINIHIKAYAT ng National Food Authority o NFA ang mga magsasaka sa lalawigan na patuloy na magbenta ng mga inaning palay sa ahensya.

Sa ngayon may sapat pa naman supply mula sa inangkat na bigas mula Thailand at Vietnam pero kailangan pa rin umano ng supply mula sa lokal na magsasaka.

Sa kasalukuyan may 170 bags na palay ang nabili ng NFA mula sa lokal na magsasaka at araw-araw din sila nakakabili sa mga magsasaka at dumadayo rin sila upang makabili sa mga karatig lalawigan.

Matatagalan pa umano ang susunod na rice procurement mula sa ibang bansa kaya dapat mapunan ng magsasaka sa Zambales ang supply ng bigas ng NFA.

-RUSSEL BANAWA