Close

Motorista, sugatan matapos sumalpok sa wing van

Sponsor ads


NUMANCIA, AKLAN – Sugatan matapos sumalpok sa wing van ang isang rider ng motorsiklo mag-aalas 9:00 ng umaga sa highway ng Tabangka, Numancia, Aklan.

Kinilala ni Patrolman Junrie Onato ng Numancia PNP ang biktimang si Rodel Tumbukon Macavinta, 39 anyos ng Calimbajan, Makato, Aklan at ang driver ng wing van na si Javy Simplina, 35 anyos ng San Miguel, Quezon, Nueva Ecija.

Base sa imbestigasyon ng Numancia PNP, galing Numancia papuntang Makato ang van, subalit nag-u-turn umano ito pabalik sa Kalibo.

Habang nasa gitna na ng kalsada ang van, aksidente umano itong nabangga ng nagmomotorsiklong si Macavinta, rason na tumumba ito sa kalsada at nagtamo ng sugat sa katawan.

Kaagad siyang dinala sa ospital, habang kusa namang pumunta sa Numancia PNP Station ang driver ng van kung saan siya pansamantalang ikinustodiya para sa karampatang disposisyon.