Close

Mga residente sa Pres. Roxas humihingi ng tulay

Sponsor ads


Sa hirap na nararanasan ng mga residente ng Boundary Barangay Kisupaan to Barangay Salat, President Roxas, North Cotabato, sila po ay nananawagan na sana makarating po ang kanilang hinaing sa gobernadora sa North Cotabato maging sa nga kinauukulan.

Gusto ng mga residente na mabigyan sila ng tulay upang tuldokan na ang hirap na kanilang dinaranas.

Ayon sa isang netizen , ni panganganak ng mga buntis ay hindi na magawang makatawid kung umuulan.

Sa pamamagitan ng Brigada News FM at page na ito inaasahan ng mga residente na bigyan pansin ang kanilang panawagan.