Close

Mga palayan sa Capiz binaha dahil sa malakas na ulan

Sponsor ads


ROXAS, CITY — Nalunod sa tubig-baha ang ilang mga palayan sa probinsya ng Capiz dahil sa patuloy na pagbuhos ng malakas na ulan.

Ilan sa mga lugar na binaha doon ay ang Sigma, Panit-an, Cuartero at Maayon.

Itinaas na ngayon ang alert status ng lahat ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office sa Capiz bilang paghahanda sa pagpasok ng bagyong Tisoy.

Samantala, patuloy din ang ginagawang monitoring sa mga water levels sa mga ilog.