Close

Mga mababagal na sasakyang dumadaan sa national highway huhulihin ng PNP-HPG

Sponsor ads


OLONGAPO CITY-HUHULIHIN ng Highway Patrol Group o HPG ang mga mababagal na sasakyan na dumadaan sa national highway.

Ito ay sa oras na makakapagpasa ng batas ang Sangguniang Panglungsod na maghihigpit sa speed limit ng mga sasakyan.
Ayon kay PSI Marlon Agno may mga limitadong bilis dipende sa uri ng sasakyan sakaling dadaan ang mga motorista sa national higway.

Halimbawa, kung 80 kilometer per hour ang minimum speed sa national highway ng Cabalan at dadaan ang sasakyan mas mabagal dito ay huhulihin ng HPG.

Ikinokonsidera kasing obstruction sa daloy ng trapiko sa highway ang mga mababagal na sasakyan kung hindi maglalagay ng kanya kanyang linya sa kalsada ang local govt.

-MICHELLE LOPEZ