Close

Mga daycare workers sa Zambales, nakatanggap na ng honorarium

Sponsor ads


ZAMBALES-INUMPISAHAN na ang release ng honorarium ng mga daycare workers sa Zambales.

Ayon kay PSWDO Head Merle Pastor, halos tatlong daang daycare workers ang tumanggap ng honorarium mula sa pundo ng pamahalaang panglalawigan.

Matatandaang na-delay ang pagbibigay dahil sa kakulangan sa dokumento na naisumite sa opisina ng PSWDO.

Habang inaantay noon ang honorarium, ilang buwan ding umasa sa kontribusyon ng mga magulang ng mga estudyante ang ilang daycare workers.

-RUSSEL BANAWA