Close

Mahigit tatlongpung libo na manggagawa sa Central Luzon, na regular ayon sa DOLE

Sponsor ads


OLONGAPO CITY-NALAMPASAN ng Department of Labor and Employment sa Central Luzon ang tatlongpung libo na annual target na ma-regular na mga manggagawa noong nakaraang taon.

Ayon kay DOLE Regional Director Zenaida Angara-Campita, nakapagtala sila ng 31,007 na naging permanente sa 272 na mga establisimento.

Inaasahan rin ng opisyal na mauunawaan ng mga kompanya ang magandang maidudulot kung ma regular ang kanilang mga manggagawa.

Dagdag pa ni Campita, may mga tauhan sila na naglilibot sa ibat ibang kompanya upang tingnan kung natutupad ba ng mga ito ang kanilang mga tungkulin para sa kaligtasan ng mga manggagawa.

-GILBERT BASIO