Close

MDRRMO Botolan, nagsimula na ng clearing operation sa mga sementeryo sa lugar

Sponsor ads


Sinimulan na ng Municipal, Disaster and Risk Reduction Management Office o MDRRMO ang clearing operation sa mga sementeryo sa bayan ng Botolan.

Ayon kay MDRRMO head Andy Divino, ito ay bilang paghahanda sa paggunita ng Undas 2018 ngayong darating na Nobyembre.

Mainam din anya na mas maaga nilang gawin ang clearing sa mga lugar upang di na makaistorbo sa dadagsang tao ilang araw bago ang kaarawan ng undas.

Tumambad naman sa clearing team ang makakapal na tambak ng mga dahon at matataas na damo sa unang araw ng kanilang clearing operation.

Paalala naman ni Divino sa ilang mga residente na malapit sa sementeryo, wag gawing tapunan ng basura o mga patay na hayop ang naturang lugar.

-RUSSELL BANAWA